Ang dami kong kaklaseng Intsik. Apelyidong Uy, Lim,
Tan, Co, Go, Chua,
Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa. Pero sa kanilang
lahat kay Gilbert Go
ako naging malapit. Mayaman si Gilbert kaya mangyari
pa, madalas siya ang
taya sa tuwing gigimik ang barkada.
Isang araw na-ospital ang kanyang ama. Sinamahan ko
siya sa pagdalaw.
Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa stroke.
Naron din ang ilan sa
kanyang malalapit na kamag-anak.
Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan.... hindi ko
maintindihan.
Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan
nang umuwi. Maiwan daw
muna ako at pakibantayan ang kanyang ama habang
inihahatid nya ang kanyang
mga kamag-anak palabas ng ospital. Lumipat ako sa
gawing kaliwa ng kama ng
kanyang ama para ilapag ang mga iniwan nilang mga
gamit na kakailanganin ng
magbabantay sa ospital. Nang akmang ilalapag ko na ay
biglang nangisay ang
matanda.
Hinahabol nya ang kanyang hininga... Kinuyom nya ang
kanyang palad at
paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na hindi
ko maintindihan.
"Di ta guae yong khee"..... "Di ta guae yong khee"...
"Di ta guae yong
khee".. paulit-ulit nya itong binigkas bago siya
malagutan ng hininga.
Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama.
Ikinagulat nya ang
pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na
papanaw na ang kanyang
ama. Walang tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ngunit
iyon na yata ang
pinakamasidhing pagluha na nasaksihan ko.
Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingin
uli ang kanyang mga
kamag-anak.
Sumakay ako ng taksi pauwi. Habang nasa taksi..
tinawagan ko ang iba pa
naming kabarkada. Una kong tinawagan si Noel Chua.
Dahil marunong si Noel
mag-intsik, tinanong ko muna kung ano ang ibig sabihin
ng "Di ta guae yong
khee".
"Huwag mong apakan ang oxygen. "... "Bakit saan mo ba
narinig 'yan?".
Patay kang bata ka!